Tuesday, March 3, 2009

Duyan Nga Eh!..Duyan(Diuyan)

Tulad ng saranggolang
dinuduyan ng hangin
Abot langit ang saya ko sa
tuwing ika'y kapiling
Sa bawat araw tumitibay
ang aking hangaring
Ipagpatuloy ang dakilang
simulain.

Subalit pinili mong ipinta
ang sariling pangarap
Habang ako'y nananahan
sa hirap
Ng pakikibakang iyo naming
tinanggap
Ngunit di mo lamang
kayang malasap

Ngiti mo pra rin
ang gumigising sa umaga
At malamig mong boses
ang humehele sa gabi
Baon ko lagi ang matatamis
nating alaala
Habang kayakap ko
ang masang api.

At, sa dapithapon,
sakaling mundo nati'y
Muling magtagpo
sana'y may natitira pang
Mga puno diyan sa puso
na maaring
Pagsabitan ng duyan ko.

No comments:

Post a Comment